Monday, December 10, 2007

Topak!

Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga taong tinatawag na may topak? Sa pagkakaalam ko, yung kapitbahay namin na si Boy Topak eh laging mainit ang ulo. Kung susumahin, ang taong may topak eh ung taong laging maiinit ang ulo. Tama kaya un? Ewan ko lang.

Pero alam nyo, sa palagay ko, ito eh sa palagay ko lang naman ha kaya wag na kayong makikialam sa palagay ko. Palagay ko nga eh pakikialam nyo pa? Kanya kanyang palagay na lang ok? Ahem... Ok, sa aking palagay, ang isang taong may topak eh ung taong may toyo. Ay teka parehas lang ata un. Ibang salita lang. Teka teka teka.... Ah ito na lang. Ang taong may topak eh ung taong nawawala sa sarili! Hahaha oo wala sa sarili! Hahaha Crispin? Basilio? Hahaha... Whatever.

Pero bago pa man kung saan makarating ang usapang ito mga kababayan ko, nais kong malaman nyo, na ako'y Pilipino! Opo! Pinoy po ako! Hindi nga lang 100% pero Pinoy pa rin hahaha! Thank you Francis M.! Pero teka, hindi naman yan ang gusto ko sabihin eh. Ikaw talaga ginugulo mo ako. Dun ka nga!

Ahem.

Topak. Is a Pilipino slang word for insane, crazy, or mad. It can also refer to the state of mind of being angry or agitated. In short, Topak.

Ahem.

Ang galing ba ng meaning? Naniwala ka naman agad. Imbento ko lang yan! HAHAHA!!!

Pero mga katoto, lahat ng tao ay may topak kahit paminsan minsan lang. Ako, kapag ako'y tinotopak, hindi naman dahil maiinit ang ulo ko ang nasisiraan na ako ng bait(Minsan nasisiraan talaga. Pero minsan lang) Kapag tinotopak ako, naghahanap ako ng away. Totoo yun. Ewan ko lang kung gumagana ha. Pero totoo. Ikaw pano ka topakin?